[Origin:
1495–1505; earlier
traffyk < MF
trafique (n.),
trafiquer (v.) < It
traffico (n.),
trafficare (v.), of disputed orig.

]

This definition came from ever reliable dictionary.com. We, Filipinos, always say 'Late ako kasi traffic!' But it is actually wrong. The funny thing is, just like we call toothpaste Colgate or picture taking Kodakan, it is widely accepted by all the bosses and the management.
Okay tama na ang pa english-english.
TRAPIK - noun, verb.
1. The cause of all the misery and loss of job of most Pinoys. As in 'Putang ina Trapik na naman, late na ako.' or 'Isang late na lang wala na akong trabaho. Pesteng trapik yan.'
2. The cause of brakeups for most of Loverboys and girls. 'Hihiwalayan mo ako dahil sa trapik?' or 'Trapik na naman mahuhuli na ko sa date namin, puta!'
Ang daming pwedeng ibig sabihin ng trapik. Pero iisa lang ang ibig sabihin nito sa akin. Perwisyo. TRAPIK = PERWISYO. Isipin mo na lang to, mas matagal pa ang biyahe ng mga pinoy kaysa ang tinagal nila sa loob ng bahay o sa opisina o sa eskwela.
Noong College ako, natsempong kasabay ko din pala nagaaral ang DPWH at LRT kung papaano pahihirapan ang lahat taga RIZAL area patungong Manila. At meron silang napagisipang project na gawin. Sirain ang harap ng PSBA. Kung saan halos lahat ng Mga students dumadaan papunta Cubao. Ayos. Ilang taong paghihirap. At swerte naman din kasi natapos ang project nila naging LRT 2. Pero ang nakakatawa padun saktong pagsoli ko ng Toga ko e may libreng sakay na ang tren!

Lahat ng klaseng experimento na ata ang nagawa ni Bayani Fernando. Mula sa magmukhang gaybar ang buong metro manila hanggang sa pag amuying restroom ang Edsa. Pero at least meron siyang ginagawa para maibsan ang trapik. Saludo ako sa inyo sir. Sana hindi kayo umalis sa pwesto niyo at hindi din kayo tumakbo ng ibang posisyon. Your doing the Lord's work except for the big billboards.
Iba't - ibang klaseng driver ang makikita mo sa daan. Pero ang sabi ng tatay ko dalawa lang naman daw yun. Ang Defensive Drivers at Offensive. Ok ang mga example ang mga defensive ay yung mga driver na marunong magbigay, tumitingin sa mga street sign at light, responsable, angsusuot ng seatbelt, hindi gumagamit ng cellphone o Ipod habang nagmamaneho, nasa nanibela ang dalawang kamay habang nagdadrive at may etiquette. Ang OFFENSIVE e yung kabalikataran ng mga yan. Kung bibigyan tayo ng pagkakataon para kitilin ang buhay ng lahat ng opensib drayber, malamang maubos ang lahat ng nagmamaneho dito sa pinas.

Itaas ang kamay ng mga taong pagsakay sa loob ng kotse at pagstart ng kotse e nagsusuot
ng seatbelt? Swerte ko na siguro makabilang ng ilan. Dati kabilang ako sa mga taong yan. Pero ngayon nagsusuot na lang ako ng seatbelt kapag dadaan ako sa EDSA o nakakakita ng MMDA at pag maglo-longdriving. Minsan kasi hassel dahil malaki ang tyan ko. Tsaka mahirap habulin ang babae bigla ka na lang iiwan sa daan pag nakaseatbelt ka.
Sinong tao kaya sa pinas ang wala ng cellphone? Dati mahirap itanong yan kasi konti pa lang. Siguro noong mga gitnang 90s, pero ngayon? ultimo cigarette vendor at magtataho meron. At kahit mga bus, jeep, fx, tricycle, at pedcab drayber. Pano pa yung mga meron private vehicle diba? Aminado ako, madalas akong nagtetext o tumatawag pagnagdrive. Kahit katabi ko nanay ko. Mas madalas na nasisigawan ako ng nanay ko kasi meron na pa akong kasalubong tuloy padin ang pindot ko.
Para sa mga lalaki naman. Gaano ba kahirap ang pagstay ng kamay sa manibela. Maging magisa ka or kasama ang bebot mo, mahirap. Pag magisa ka, madalas yosi ang hawak ng isang kamay. Pag kasama mo mahal mo, hawak mo naman ang kamay nya o pag masswerte binti o ulo niya ang hawak mo.
Alam nyo ba na merong alternating rule sa kalsada? Hindi naman ito written pero parang kasunduan lang naman ito na wala sa black and white. Yung tipong kapag galing ka ng two lane tapos magiging single lane, right car muna tapos left car. or vice versa kung sino na ang merong turn? Halinhinan kung baga. Sana kung pwedeng lahat ng tao alam to edi sana maluwag ang mga kalsada natin.
Ang daming problema. wala naman solusyon. O masyado lang tayo nakapokus sa kung ano ano. Natuwa ako last year kasi ang sabi binabakbak na ang ortigas avenue extension dahil may road widening. Tapos bigla nilang tinigil. Putang ina nila. Anong nangyari edi mas trapik kasi nakaharang ang mga giniba nila. Ang siste dawa kasi nag welga ang mga squatter sa manila. Wow. Yung mga nagskwat pa ang merong rights tapos nasa manila yun e nasa east area kami! ang labo.

Junction! Isa sa mga pinaka busy na intersection sa buong Region 4. Alam niyo ba na halos lahat ng papuntang crossing, manila or edsa e dun dumadaan? ilang town ang dumadaan dun? Cainta, Taytay, Angono, Antipolo, Binangonan, Morong Atbp. Milyong tao malamang ang dumadaan doon. araw araw. At saan ka pa two lane intersection lang yan. tapos may st. joseph pa pagtapos ng ever na pampasikip. tapos lifehomes sa mariwasa floodway. hay nako. Mga 10 minutes lang nasa bahay na ako kapag alang trapik. pero every day I spend 1 hour just to deal the whole length of ortigas ave ext.
Dalawang oras ang travel time ko mula bahay papuntang UST. Apat na taon kong tiniis yun. Wala pang LRT nun. Kasabay kasing ginagawa diba. Mapa Cubao o Ortigas o Crossing ang daan ko pareho lang. Mapatrapik o hindi... ang labo nga e. Pero tiniis ko yun. Uwian araw araw. Pero ang pinaka nakakapagod ng route e yung cubao. Dalawang sakay na mas mahaba pa ang pila kaysa sa biyahe. ewan ko ba.
Ang trapik sa pinas ay andito pa din. Wala na atang magagawa dito. Palala ng palala. Pero eto parin ako. Patuloy natinatahak ang haba ng Ortigas AVE EXT.